Muli na namang bumandera ang K-pop group na BTS sa U.S.
Ito ay matapos na makakuha ng dalawang Gold certifications ang kanilang “Map of the Soul: Persona” album.
Ayon sa data ng Recording Industry Association of America (RIAA) na ang ikaanim na album ng grupo ay nakakuha ng Gold certification noong August 22 apat na buwan mula ng ito ay inilabas noong Abril 12.
Kinilala kasi ng RIAA ang album base sa laki ng benta gaya ng 500,000 o mahigit ay Gold, habang kapag 1 million o mahigit ay Platinum habang 10 million o mahigit ay Diamond.
Noong Nobyembre ay naging kauna-unanag Korean act ang BTS na makakuha ng Gold sa U.S. ang kanilang album na “Love Yourself: Answer”.
Itinuturing pa rin ito na ang pinakasikat na album na mayroong mahigit 3.5 million kopya ang naibenta.