-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong record ang Korean boy band na BTS.

Ito ay matapos na umakyat sa number 1 spots sa Billboard 200 chart ang kanilang album na “BE”.

BTS
BTS/ IG POST

Ito na ang pang limang beses na nasa number 1 spot sa Billboard 200 chart.

Noong Marso ay naging numero uno sa chart ang kanilang pangalawang chart-topper na na “Map of the Soul: 7.”

Ang BTS ay siyang unang grupo na mayroong dalawang magkaibang album na umakyat sa number 1 billboard 200 at pangalawang artist na sumusunod sa American rapper na si YoungBoy Never Broke Again.

Ang huling grupo na nanguna sa Billboard 200 sa limang magkakasunod na albums ay ang Beatles noong 1960.