-- Advertisements --

Nakakuha ng tatlong award ang Korean group na BTS sa 2021 Nickelodeon Kid’s Choice Awards.

Nakuha ng grupo ang Favorite Music Group, Favorite Song na “Dynamite” at Favorite Global Music Star.

Ayon sa grupo na nabigla sila sa nasabing award.

Aminado sila na namimiss na nila na makasamang personal ang kanilang mga fans.