-- Advertisements --

Nakalikom ng $3.6 milyon na pondo ang Korean group na BTS para sa kampanya nila sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Taong 2017 ng inilunsad ang grupo ang “Love Myself” movement na ang layon nito ay para matigil na ang kaguluhan, pang-aabuso at bullying.

Nakapatala ang nasabing programa rin ng 5 milyon na tweets at mahigit 50 milyon na engagements gaya ng retweets, replies at comments.

Sinabi ni UNICEF executive director Henrietta Fore na hindi matatawaran ang ginawang pagtulong ng BTS para maiparating ang positibong mensahe.