-- Advertisements --

Nagtala ng limang bagong Guinness World Records (GWR) ang Korean group na BTS dahil sa kanilang bagong kantang “Butter”.

Karamihan sa record na kanilang nabasag ay mula sa YouTube kung saan nahigitan nila ang dating kanta nilang “Dynamite” noong 2020.

Nakamit nila ang most viiewed video sa loob ng 24 hours na mayroong 108.2 milyon at bilang most viewed video ng isang K-pop group sa loob ng 24 oras.

Nakuha rin ng kanta ang most views para sa premiere of video ganun din ang premiere of a music video na mayroong 3.9 milyon concurrent views.

Nahigitan ng grupo ang most stream music sa Spotify na naitala nina Ed Sheeran at Justin Bieber sa kanta nilang “I Don’t Care” na mayroong mahigit 11-milyon mahigit na views.

Tinalo ng grupo ang bandand Coldplay na mayroong 16.1 billion streams.