-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang Korean boy-group na BTS.

Ayon sa grupo, kakaibang kanta ang ilalabas nila sa Agosto 21 dahil ito ay sa wikang english.

Hiniling ng grupo sa kanilang mga fans ang suportahan ang kanilang bagong paglabas ng kanilang kanta.

Umaasa sila na magbibigay ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay ang nasabing bagong kanta ng grup.

Hindi pa rin nila napagpapasyahan kung kasama ang nasabing kanta sa bago nilang album.

Magugunitang nitong buwan pa lamang ay inilabas na nila ang ikaapat na Japanese album, “Map of the Soul: 7 – The Journey ” na nanguna sa music charts ng Japan.