-- Advertisements --
Ibinahagi ng Korean boy band na BTS ang naranasan nilang racial discrimination sa US.
Ayon sa grupo na naging masama ang tingin sa kanila ang mga nakakasalubong nila sa US dahil sa kanilang mga kasuutan.
Maging ang pananalita ay kinukuwestiyon dahil bakit marunong aniya silang magsalita na english ganun ay iba ang lahi nila.
Hindi aniya nila maitago ang kanilang kalungkutan dahil sa tumataas ang kaso ng Asian hate crime sa US.
Base naman sa grupong Stop Asian-American and Pacific Islander (AAPI) Hate na nakatanggap sila ng mahigit 500 na anti-Asian hate incident sa loob ng dalawang buwan ngayong 2021.