-- Advertisements --

Muling nagtala ng kasaysayan ang Korean boy band na BTS matapos na maging kauna-unahang South Korean artist na nakatanggap ng BRIT Awards nominations.

Kasama kasi ang grupo na nominado sa category na Best International Group ng British Phonographic Industry.

Katungali nila sa nasabing kategorya ang bandang Foo Fighters, Run the Jewels, Haim and Fontainers DC.

Ang taunang BRIT Awards ay kinokonsiderang pinakaprestisyosong music awards ceremony sa United Kingdom na gaganapin ito sa Mayo 11.