-- Advertisements --

Ibinahagi ng Korean group na BTS ang pagsasagawa nila ng live concerts sa Los Angeles sa buwan ng Nobyembre.

Sa kanilang social media account ay isinagawa ang anunsiyo sa “Permission to Dance on Stage” na gaganapin sa SoFi Stadium sa LA sa Nobyembre 27, 28 at Disyembre 1 and 2.

Ito ang unang physical in-person concert ng grupo na huling isinagawa ay noong 2019.

Dahil sa COVID-19 ay nakansela ang 40 concerts ng grupo sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay ipinagmalaki ng pitong miyembro ng BTS na sila ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.