-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta sa Black Lives Matter movement ang K-pop group na BTS.

Sa kanilang social media post, sinabi ng grupo na sila ay hindi sang-ayon sa racial discrimination.

Mariing kinokondina rin nila ang mga nagaganap na kaguluhan at bawat isa aniya ang nararapat na respetuhin.

Kilala rin ang grupo sa mga kanta nila laban sa mga abuso, injustice at discrimination.

Ang Black Lives Matter ay isang kilusan na nangangampanya laban sa racism at kaguluhan.

Naging aktibo ito dahil sa pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.