-- Advertisements --

Tiniyak ng PNP Training Service na hindi apektado ng pandemya ang pagsasanay ng mga pulis.

Ayon kay dating PNP spokesperson at ngayo’y PNP Training Service director B/Gen. Bernard Banac nagpatupad sila ng “bubble training” para sa iba’t ibang training course ng PNP.

Paliwanag ni Banac, ang training ay tumatagal ng 60 araw kung saan ang mga instructor at mga estudyante ay naka-isolate sa isang grupo sa panahong ito.

Bago aniya magsimula ang training, sinisiguro na ang lahat ng participants at instructors ay negatibo sa COVID-19.

Binigyang-linaw din ni Banac na walang pagbabago sa set-up sa ilalim ng bubble training.

Si Banac ay isa sa mga opisyal na pumila sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame para magpaturok ng COVID-19 vaccine kasabay ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga tauhan ng PNP na kabilang sa A4 priority group.