-- Advertisements --

Patay ang isang indibidwal matapos ang pagguho ng bubungan ng Delhi airport sa India.

Nagbunsod ang insidente dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa lugar.

Dahil sa insidente ay nadamay ang ilang mga sasakyan na nakaparada sa Terminal 1 ng paliparan.

Kinansela na rin ang mga flights sa paliparan dahil sa nasabing insidente.

Sa kabuuan ay mayroong walong katao rin ang sugatan habang apat na sasakyan ang nasira.

Inaalam ng mga otoridad kung magkano ang damyo sa nasabing insidente.