-- Advertisements --

Ikinasal na ang dating child actor na si Bugoy Carino sa longtime partner nitong volleyball player na si EJ Laure.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang simbahan sa Tagaytay nitong Linggo, Marso 9, 2025.

Noong Setyembre 3, 2023 ng maging engaged ang dalawa at nitong Enero ng ipinasilip ng dalawa ang kanilang prenup photos.

Magugunitang 16-anyos pa lamang si Bugoy ng mabuntis ang nobya na noon ay edad 21 na.

Naging Rookie of the Year ng UAAP Seaon 77 si EJ na naglalaro sa UST Golden Tigress sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Setyembre 3, 2020 ng inamin ng dalawa na mayroon na silang anak na si Scarlet.