-- Advertisements --

Ipinakita na sa publiko ng actor na si Buboy Villar ang kaniyang nobya at tatlong buwan ng gulang na anak.

Kasabay ng kaniyang ika-27 kaarawan ay sinurpresa siya ng nobya sa isang taping ng vodcast.

May dalang birthday cake ang nobyang si Khrizza Mae Sampiano.

Kasabay din nito ay bininyagan na rin ang anak nilang si si Kyrie.

Pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ang dumalo sa nasabing binyagan.

Sa social media account ni Khrizza ay nagpost ito ng family photo kung saan pinasalamatan niya ang actor matapos niyang batiin sa kaarawan nito.

Magugunitang mayroon ng dalawang anak ang actor mula sa dating live-in partner na American na si Angillyn Serrano Gorens.