-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Suportado ng lokal na pamahalaan ng Malay ang pagbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA) basta hindi sasapaw sa kanilang trabaho.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista magandang balita ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang nasambit sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes dahil para aniya ito sa kabutihan ng isla.

Mahalaga umano ang BIDA sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Boracay lalo pa at ilan sa mga proyekto ay nangangailangan ng malalaking pondo.

Sakaling maging batas, ang pondo ng BIDA ay isasama sa General Appropriations Act.

Dagdag pa nito na isinangguni sa kanila ni Aklan Governor Florencio Miraflores bilang mga miyembro ng Boracay Inter-Agency Task Force noong nakaraang buwan ang panukalang batas ukol dito, kung saan, pinakinggan naman ang ilan sa kanilang mga suhestiyon.