Isang bubwit ang nag mouth to mouth upang buhayin ang kasama nitong daga ayon sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa California.
Kung saan naobserbahan na tinutulungan umano ng daga ang kapwa nito bubwit na ilabas ibuka ang bibig ng daga upang bigyan ng oxygen na kapareho naman ng mga tao kung paano tayo nag sasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation.
Binanggit naman sa isang journal science na pinangunahan ni Huizhong Whit Tao, aniya ‘clearance of foreign objects from the mouth, improved airway opening, and hastened recovery suggested reviving-like efforts.’
Sa ganitong paraan aniya nag re-release ng oxytocin hormones, isang substance para sa kanilang social bonding kung saan ginagamit kapag nakakakita umano sila ng mga unconscious na hayop.
‘Assisting unresponsive group members may be an innate behaviour widely present among social animals,’ ani sa isang pag-aaral.
Kaugnay pa nito sa isang pag-aaral naipakita na katulad ng mga elepante, dolphin, at chimpanzee, ang mga daga ay may instinct na pag-uugali din na tumutulong naman sa pagbibigay nila ng health emergency sa kapwa nila.
Ipinakita rin sa pag-aaral na nagsasagawa rin ang mga ito ng kamangha-manghang pagkilos kagaya ng pagbubuhat, paghahaplos at pagkalong sa mga kasamahan nilang nalalagay sa panganib.
Ang naturang pag-aaral ay nagpakita rin kung paano nagiging mahusay ang mga daga tulad ng pagtanggal nito ng mga object sa bibig ng kapwa nila para makahinga ito ng maayos kapag nawalan ng malay.
Napatunayan ng mga siyentipiko na 80 percent dito ay nagtagumpay dahil kung paano nila ito ulitin ay pareho lang din ang ginagawa ng daga sa pagtatanggal ng object sa bibig ng bubwit.
Ibinida naman ng University of Colorado na ang mga naturang pananaliksik hinggil sa kakayahan ng mga daga ay lubos na nagpapakita ng likas na pagnanais na tumulong ng mga hayop sa kapwa nila, aniya ‘shared by many other species.’