-- Advertisements --
Kumuha na ng external law firm ang Buckingham Palace para imbestigahan ang alegasyon ng pambubully ni Meghan ang Duchess of Sussex sa royal staff nito.
Ayon sa tagapagsalita ng Bukingham Palace, seryoso sila sa mga nauna nilang pahayag na kanilang iimbestigahan ang nasabing usapin.
Nauna nang ibinunyag ng Palace na inireklamo ng hindi na pinangalanang royal aides si Meghan dahil umano’y sa pambu-bully noon pang taong 2018.
Tinawag naman ng tagapagsalita nina Meghan at Prince Harry ang nasabing usapin na kasinungalingan.
Ang hakbang na ito ng Royal Palace ay kasunod nang pagbubunyag nina Prince Harry at Meghan na kaya sila umalis sa palasyo ay dahil sa isyu ng racist na ayaw nilang kilalanin ang anak ng dalawa dahil sa ibang kulay nito.