-- Advertisements --

Inilabas na ng Buckingham Palace ang larawan kung saan inilibing si Queen Elizabeth II.

Makikita ang lapida sa St. George’s Chapel sa Windsor ni Queen Elizabeth.

Ito ay isang hand-carved mula sa Belgian black marble na mayroong brass letter inlays ang pangalan ng magulang nito na si King George VI at Queen Elizabeth.

Katabi rin ang pangalan nito ang asawang si Prince Philip.

Pinaghiwalay ang pangalan nila sa lapida ng garter star.

Ang apat kasi na royals ay miyembro ng Order of the Garter ang most senior order of chivalry.

Magugunitang inilibing ang monarch queen nitong Setyembre 19.

Bubuksan na nila sa publiko ang resting place ng Queen kapag mabuksan na ang palasyo sa darating na Setyembre 29.