Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Milwaukee bucks at pasok na sila sa NBA finals matapos na ilampaso ang Toronto Raptors, 125-103.
Muling dinomina ng Bucks center at 6’11” na si Giannis Antetokounmpo ang game nang magtala ng 30 big points at 17 rebounds.
Nagsilbing pampalakas ng loob ng Bucks players ang performance ni Giannis lalo na at walang pantapat ang Raptors sa matitinding dunks nito.
Anim pang players ng Bucks ang nagpakita rin ng double figures kung saan tatlo sa mga ito ay mga reserves.
Nag-ambag si Nikola Mirotic ng 15, nagbuslo naman si Malcolm Brogdon ng 14, si George Hill ay nagtapos sa 13 at si Khris Middleton ay may 12 points.
Kung maaalala ang Bucks ang tinanghal na top team sa nakalipas na regular season nang makatipon ng 60 wins.
Ang dating MVP na si Kawhi Leonard ay nasayang lamang ang ginawang 31 points para sa Toronto.
Sina Kyle Lowry ay umiskor ng 15 at ay Norman Powell ay nagpakita naman ng 14 para sa Raptors na hindi nakayanan na mahabol ang kanilang deficit sa buong laro.
Sa Lunes pagkakataon ng Raptors na makabangon kung saan sa teritoryo nila isasagawa ang Game 3.