-- Advertisements --

Pinangalanan na ng Memphis Grizzlies si Milwaukee Bucks assistant Taylor Jenkins bilang kanilang bagong head coach.

Pormal na ihaharap ng Grizzlies si Jenkins sa gaganaping press conference sa Don Poier Media Center sa FedExForum sa araw ng Huwebes (Manila time).

“Taylor has an excellent coaching pedigree, and we are confident he will lay the groundwork of developing the young players on our roster while having the elite basketball acumen and forward-thinking positive vision to be a high-level NBA head coach,” saad ni Zachary Kleiman, executive vice president of basketball operations ng Grizzlies, sa isang pahayag.

Ang Memphis ang ikaanim at huling NBA team na kumuha ng panibagong coach matapos nitong sibakin si J.B. Bickerstaff kasunod ng pagtatapos ng season noong Abril.

Si Jenkins, 34, ang assistant ni Mike Budenholzer sa Milwaukee ngayong season at sa Atlanta sa loob ng limang seasons.

Siya rin ang ikaapat na head coach buhat nang magpasya ang Grizzles na huwag i-renew ang kontrata ni Lionel Hollins noong 2013 matapos nitong pangunahan ang team sa kanilang kaisa-isang appearance sa Western Conference finals.