Bumangon mula sa malaking kalamangan ang Milwaukee Bucks upang makaganti na rin sa wakas laban sa Miami Heat, 130-116.
Kung maalala bago ito, dalawang beses ng tinalo ng Heat (43-26) ang Bucks (55-14).
Sa ngayon pinatibay na ng Milwaukee ang kanilang puwesto sa Eastern Conference bilang top seed.
Kapwa nagpakita ng tig-33 points sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton para pagtulungang makuha ang lead sa third at fourth quarter.
Una rito, tinambakan ng Miami ng hanggang sa 23 points sa first half ang Bucks sa kabila ng hindi paglalaro nina Jimmy Butler at Goran Dragic.
Mistula namang nagkampante ang Heat sa huling bahagi ng game na siyang sinamantala nina Antetokounmpo na naglaro ng 30 minuto at si Middleton na nababad ng 34 minutes sa court upang pagurin ang mga kalaban.
Sa kampo ng Heat nanguna si Duncan Robinson na may 21 points.
Aminado naman ang Heat head coach at Fil Am na si Erik Spoelstra ang kanyang pagsaludo sa Bucks dahil ramdam daw nila ang pressure game na inilatag ng mga ito sa second half.
Ayon kay Spoelstra, sa mga games ngayon sa NBA ay mahalaga ang “consistency” ng mga players.
Samantala ang next game ng Heat ay kontra sa Suns sa Linggo.
Ang Bucks naman haharapin ang Dallas.