Nakaantabay pa rin ang mga fans ng Milwaukee Bucks kung makakapaglaro na ang kanilang star player na si Giannis Antetokounmpo sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Phoenix Suns.
Ito ay matapos na magtamo siya ng hyperextended left knee noong Eastern Conference Finals nila ng Atlanta Hawks.
Sinabi ni Bucks coach Mike Budenholzer, araw-araw nilang mino-monitor ang kalagayan ng kanilang two-time league Most Valuable Player (MVP).
Hindi anila ipipilit na makapaglaro para hindi pa lalo lumala ang kaniyang injury.
May game plan na rin sila sa kawalan ni Antetokounmpo at ‘yan ay ang pag-level up sa paglalaro nilna Khris Middleton, Jrue Holiday at power forward Bobby Portis.
Inaasahan naman na sasamantalahin ng Suns ang home court advantage sa dalawang magkasunod na laro.