Handang gumastos ang Milwaukee Bucks para mapanatili nila ang kasalukuyang Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo.
Sinabi ni Bucks co-owner at governor Marc Lasry, na sasagutin nila ang luxury tax para ni Giannis.
Ito ang naging inisyal na pag-uusap nina Larsy at ang agent ni Giannis na si Alex Saratis.
Magsasagawa pa sila ng pagpupulong kapag nakabalik na mula sa bakasyon si Antetokounmpo.
Hinihintay pa kasi nila ang desisyon ni Antetokounmpo kung ito ay pipirma ng extension sa koponan sa pagpasok ng 2020-21 season sa final year ng kaniyang kontrata at ito ay eligible na sa free agency sa 2021.
Ilan sa mga alok na pinag-aarala ng Bucks ay bigyan ng supermax deal ito ng 35% ng salary cap na aabot mula $250 million sa loob ng limang taon.
Magugunitang tinalo sila ng Miami Heat sa kanilang Eastern Conference semifinals noong Game 5.