Dalawa pang mga koponan ang isinama umano ni NBA superstar James Harden sa kanyang wishlist ng mga teams na nais nitong lipatan.
Ayon sa ilang mga impormante, kabilang na rin sa mga nais na destinasyon ni Harden ang Milwaukee Bucks at Miami Heat, na dalawa sa top teams sa Eastern Conference.
Una nang inihayag ni Harden sa Rockets ang kanyang intensyon na willing daw itong ma-trade sa Brooklyn Nets o Philadelphia 76ers.
Samantala, inaasahan naman ng Houston na magiging professional umano si Harden sa harap ng usap-usapang trade kahit na “non-communicative” ito sa kanilang front office noong offseason.
Wala rin daw “urgency” ang Rockets na i-trade ang eight-time All-Star, maliban na lamang kung may mag-alok ng “mammoth package” na kinapapalooban ng star player at draft picks.