Nais ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na maging magaan lamang at hindi nila masyado seseryosohin ang laro nila kontra sa Phoenix Suns sa Game 3 NBA Finals.
Sinabi ng Greek star forward na tiwala siyang makakayanan ng Bucks na makabangon mula sa 0-2 na bentahe lalo na at sa kanilang home court gaganapin ang susunod na dalawang laro.
Aminado ito na maramig pressure siyang natatanggap subalit nais lamang niya ng “light atmosphere”.
Pagtitiyak nito na gagawin niya ang lahat ng makakaya para manalo at makuha ang kampeonato dahil sa grabeng sakripisyo ang dinaanan para makarating sa Finals.
Magugunitang target ng Suns na makuha ang kauna-unahang kampeonato rin sa kanilang franchise habang ito ang ikalawang NBA finals games ng Bucks mula pa noong 1971.