-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Milwaukee Bucks na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang forward na ri Khris Middleton.

Ayon kay coach Mike Budenholzer sa buong akala nila ay simple lamang na trangkaso ang kumapit kay Middleton hanggang sa lumabas ang test results.

Una nang hindi nakapaglaro kahapon si Middleton.

bago ito sa anim na games ngayong bagong season, nag-a-average si Middleton ng 20.0 points, 4.7 rebounds, 4.5 assists at 2.0 steals per game.

Sa ngayon hindi pa tiyak kung kelan ito makakabalik sa paglalaro.