-- Advertisements --

Malas pa rin ang defending champion na Milwaukee Bucks matapos na hindi umubra sa Atlanta Hawks, 120-100.

Ang nangungulelat na Atlanta ay nagawang matuldukan ang kanilang anim na sunod-sunod na talo.

Ang Bucks ay umabot na sa walo ang talo na taliwas sa magandang record nila noong nakaraang NBA season.

Binitbit ni Trae Young ang Hawks nang magbuhos ng 42 points, 10 assists at walong rebounds para sa 5-9 record.