Pinahiya ng Phoenix Suns ang Milwauke Bucks, 35-22, sa overtime game para iposte ang kanilang ika-41 panalo.
Ang panalo ng Suns ay nangyari sa makapigil hininga na 0.3 seconds ang nalalabi nang maipasok ni Devin Booker ang isa sa dalawang free throw shots.
Una rito, nag-shoot si Booker pero na-foul siya ni P.J. Tucker na halos wala ng oras.
Sa pagtayo sa free throw line ni Booker, sinalubong ito ng matinding boo ng Bucks upang bulabugin sa konsentrasyon.
Naipasok naman ni Booker ang una sa tira pero sumably ang isa.
Bago pa man makadiskarte ang Bucks, tuluyan nang nagtapos ang game.
Pinuri ni Booker ang referee na naging tama umano ang desisyon nang ma-foul siya sa kamay bago pa man ang pagtapos ng game.
Samantala si Chris Paul ay nag-ambag ng 22 points, 13 assists at seven rebounds para sa Suns.
Sa ngayon nakatipon na si Paul ng assist total na 10,145 upang malampasan si Magic Johnson (10,141) sa pang-limang puwesto sa NBA history.
Sa panig naman ng Bucks si Giannis Antetokounmpo ay nagpakawala ng 33 points, Khris Middleton may 26 at si Jrue Holiday ay tumulong sa 25.