-- Advertisements --

Naibulsa na ng Milwaukee Bucks ang ikalawang panalo ngayong season matapos harapin ang kapwa kulelat na team na Utah Jazz.

Maalalang kapwa 1 – 6 ang win-loss record ng dalawang team bago ang kanilang pagharap ngayong araw, Nov. 8.

Bumida sa panalo ng Bucks ang bago nitong guard na si Damian Lillard na kumamada ng 34 points sa loob ng 37 mins. na paglalaro. Double-double naman ang sagot ni Bucks star Giannis Antetokounmpo, 31 pts. at 16 rebs.

Nananatili namang mahina ang opensa ng Jazz mula nang magsimula ang season. Tanging ang bench na si Jordan Clarkson ang nagpakitang-gilas at gumawa ng 18 points habang ang Jazz star na si Lauri Markkanen ay nalimitahan lamang sa walong puntos at pitong rebounds.

Mistulang nagpista ang Bucks sa loob ng court lalo na sa paint area at nagpasok ng 46 points sa loob nito, kumpara sa 26 points lamang ng Jazz.

Sinamantala rin ng Bucks ang 21 turnover ng Utah.

Tinapos ng Bucks ang naturang laro, 123 – 100, at ibinulsa ang kabuuang 13 steals.

Lalo pang nabaon ang Jazz sa 1 – 7 win-loss record habang hawak pa rin ng Bucks ang anim na pagkatalo sa unang pitong laro ngayong season.