-- Advertisements --

Ikinagalak ng Milwaukee Bucks ang muling paglalaro na ng kanilang two-time most valuable player na si Giannis Antetokounmpo laban sa Boston Celtics sa kanilang Christmas Day Games.

Mula pa kasi noong Disyembre 14 ay ipinasok si Antetokounmpo sa health and safety protocols.

Matapos ang ilang araw ay nakakuha na ito ng clearance na puwede na itong maglaro.

Mayroong 27 points, 11.6 rebounds at 5.8 assists per games ang nagagawa ni Antetokounmpo.