-- Advertisements --

Kumamada sina Khris Middleton at Bobby Portis ng tig-29 puntos para mapanatili ng Milwaukee Bucks ang kanilang laban, kahit ilan sa kanilang star players ang may injury.

Nagtapos ang laban ng Bucks at Indiana Pacers sa Game 5 sa score na 115-92, pabor sa kuponan ni Middleton.

Gumawa si Portis ng 14 sa 24 na field-goal attempts at nakakolekta ng 10 rebounds.

Si Middleton ay nagkaroon ng 12 rebounds at limang assists habang pinutol ng Milwaukee ang kanilang deficit sa 3-2 sa serye.

Nakontrol ng Bucks ang laban sa kabila ng pagpapahinga muna nina Giannis Antetokounmpo (calf) at Damian Lillard (Achilles).

Samantala, umiskor si Tyrese Haliburton ng 16 puntos at nagdagdag si Myles Turner ng 13 para naman sa Indiana.

Sina Pascal Siakam at Andrew Nembhard ay may tig-12, ngunit hindi pa rin sapat upang talunin ang pwersa ng Bucks.

Ang Game 6 ay Huwebes ng gabi sa Indianapolis.