Mistulang pinaglaruan lamang ng Milwaukee Bucks ang Oklahoma City Thunder nang ilampaso sa score na 133-86.
Umabot kasi sa 47 points ang naging kalamangan ng Bucks kung saan muling bumida ang NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo sa pamamagitan ng 32 points at 13 rebounds.
Hindi pinaporma ng top team sa NBA ang OKC kung saan sa second quarter ay umakyat kaagad sa 24 points ang kalamangan ng Bucks.
Ang 47-point margin ay ang pinakamalaking naitala ng Bucks ngayong season samantalang ang Thunder ay natikman nila ang “pinaka-worst” ngayong season.
Nagbunyi naman si Giannis sa ipinapakitang performance ng mga teammates lalo na at karamihan daw sa kanila ay “nagre-relax at masaya.”
Kung maaalala ang Bucks ang pinakaunang team na unang umusad sa NBA playoffs.
Sa panig ng Oklahoma nanguna si Chris Paul sa kanyang 18 points.
Disyamado naman ito dahil sa mahina ang kanilang depensa at rebounding.
Sa kabilang dako hindi naman nakapaglaro ang mga second-leading scorers ng Bucks at Thunder.
Ang All-Star na si Khris Middleton ay merong sore neck habang may dinaramdam namang ankle injury ang Thunder forward na si Danilo Gallinari.