-- Advertisements --

Kinumpirma ng management ng Milwaukee Bucks na sumailalim sa surgery si NBA star Ginannis Antetokounmpo sa kanyang kaliwang tuhod.

Ayon kay Bucks head coach Adrian Griffin, ang operasyon ay isang routine surgery lamang, at naging maganda naman ang kinalabasan,

Ito aniya ay nakahanay pa rin sa schedule na kanilang inilaan para sa susunod na NBA season, kayat inaasahang makakabalik din si Giannis sa training camp.

Inaasahan ng Bucks na babalik sa training camp ang buong team, sa kalagitnaan ng Setyembre.

Samantala, dahil sa nasabing surgery, nagiging malaking katanungan ngayon kung makakasama ng Greece si Antetokounmpo sa nalalapit na FIBA World Cup 2023.

Nakatakda kasing magsimula ang FIBA 2023 sa August 25, at magpapatuloy ito hanggang sa Setyembre 10.

Inaasahang magiging malaking kawalan ng team Greece si Giannis, dahil sa kanyang dalang karanasan sa paglalaro ng basketball.

Maliban dito, nakahanay ng Greece ang mga bigating koponan, katulad ng USA, New Zealand, at Jordan, sa ilalim ng Group C
.
Maalalang noong 2021 ay pinangunahan ni Giannis ang Milwaukee Bucks sa kanilang kampanya upang makuha ang kampeonato sa NBA.

Sa kanyang kauna-unahang NBA finals appearance, ginawaran siya bilang Finals Most Valuable Player.