-- Advertisements --
Hindi na makakalaro sa NBA All-Star Game si Milwaukee star Giannis Antetokounmpo.
Sinabi ni Bucks coach Doc Rivers na nagtamo ng left calf strain ang 30-anyos na Greek player.
Dagdag pa ni Rivers na kanilang minomonitor ang lagay ng kalusugan ni Antetokounmpo kung saan maaring sa playoffs na ito makakapaglaro.
Nitong linggo ay hindi nakapaglaro sa pang-apat na pagkakataon si Antetokounmpo ng makaharap nila ang Philadelphia 76ers.
Nasa pangalawa ang ranking ng Greek player na mayroong 31.8 points, 12.2 rebounds, 5.9 assists at 1.3 blocked shots.