-- Advertisements --

Patuloy ang paggaling ni Milwaukee Bucks player Khris Middleton.

Sumailalim kasi ito sa operasyon sa kaniyang magkabilaang ankles.

Sinabi ni Bucks head coach Doc Rivers na sabik na itong maglaro subalit kailangan pa ng go-signal ng mga doctors.

Aabot na sa 21 laro na hindi nakasama ng Bucks si Middleton.

Umaasa naman si Rivers ang mabilis na paggaling ni Middleton para ito ay kanilang makasama na agad.