-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Excited na ang mga fans at supporters ng Milwaukee Bucks na makikipagdiwang sa victory parade at party ng koponan matapos magkampyon sa 2021 NBA finals kahapon nang kanilang matalo ang Phoenix Suns sa score na 105-98.

Ito ang inihayag ng mga Bucks avid supporters na sina Bernadette Acut Francie at fiancee’ nitong si Jason Mays, na taga-Milwaukee ang bumukod na sa kanyang kasintahang si Bernadette ng Deer District sa Wisconsin, kungsaan ginanap ang NBA finals.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan sa mag-live in partner, inihayag ni Jason Mays, na mahigpit ang suportang ibinibigay ng mga taga-Wisconsin sa Bucks kumpara sa ibang mga estado ng Amerika.

Disiplinado din umano ang mga tao ng Wisconsin lalo na panahon ng laro ng kanilang paboritong koponan at kahit saan magpunta ang Bucks kung may laro ay pupuntahan din ito ng mga supporters.

Aminado sina Bernadette at Jason na binibenta ng masyadonng mahal ang mga tickets kahapon kungsaan ang pinakamahal ay umabot ng 1,800-dolyares habang ang pinakamura ay umabot naman ng 450-dolyares kungsaana hindi na halos makikita ang mga naglalaro dahil sa sobrang layo.

Sa kabila nito’y marami pa rin ang bumili at makikita umano ito sa mga taong nasa labas ng Fisherv Forum kungsaan walang ino-obserbang social distancing.