Muli na namang minalas ang NBA defending champion Milwaukee Bucks matapos na masilat din ng Washington Wizards, 101-94.
Nanguna si Bradley Beal sa Wizards na nagtala ng 30 points at 8 assists.
Ito na ang pangalawang game na meron siyang 30 puntos.
Ayon kay Beal, ang matinding depensa ang nagpanalo sa kanila kung saan nalimitahan lamang nila sa 39% ang shooting ng Bucks.
Ito naman ang ikaanim na talo ng Bucks at apat pa lamang na panalo.
Angat naman na sa record na 7-3 ang Washington bilang best start nila mula noong 2014-15 season.
Sa malas naman ng Bucks, ang kanilang panibagong pagkasawi ay isang araw bago ang pagbisita nila sa White House sa imbitasyon ni US Pres. Joe Biden bilang world champions noong huling NBA season.
Nagtapos sa game si Giannis Antetokounmpo na may 29 points at 18 rebounds.