Binabalak ng Bureau of Corrections (BuCor) na bungkalin ang lupa sa loob ng New Bilibid Prisons sa lungsod ng Muntinlupa.
Ito ay kasunod ng nangyaring riot sa loob ng Maximum Secirity Compound kahapon ng umaga na ikinamatay ng apat na preso at ikinasugat ng mahigit 60 iba pa.
Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, ito raw ay upang malaman kung sa ilalim ng lupa itinago ng mga bilanggo ang mga patalim at armas na ginamit sa nasabing kaguluhan.
Paglalahad pa ni Chaclag, kamakailan ay naglunsad pa sila ng “Oplan Bura Tatak” kung saan isinuko ng mga inmates ang mga hawak nilang armas na nakitaan ng bakas ng lupa.
Layunin ng “Oplan Bura Tatak” na buwagin ang gang membership at mapanatili ang kaayusan at katahimikan at maiwasan ang gang wars sa kulungan.
Samantala, naniniwala rin ang opisyal na marami pang mga armas ang itinago ng mga preso sa ilalim ng lupa sa Bilibid.