-- Advertisements --

Binigyang pagkilala ng pamunuan ng Bureau of Corrections ang mga inmate ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Int’l Women’s Day ngayong araw.

Ayon sa BuCor, ito ay bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa pagkilala sa mga kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan.

Nangun sa naturang programa si BuCor Director General Gregorio Pio Catapang na ginanap sa Correctional Institution for Women compound.

Naging panauhing pandangal naman si Senador Robinhood Padilla maging si Presidential Adviser on Muslim Affairs Undersecretary Al Tillah.

Sinabi pa nito na ang naturang programa na kanilang inorganisa ay upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga kababaihan.