-- Advertisements --
BUCOR CHIEF CATAPANG

Kinumpirma ni Bureau of Corrections chief Gregorio Catapang Jr. na ginagawang personal use ng mga mayores inmates sa New Bilibid prison ang mga kubol na kanilang binuo sa loob ng naturang piitan.

Ayon kay Catapang, lumalabas na nagkaroon ng mas maraming pribilehiyo ang mga mayores dahil magaganda at malalaki aniya ang kanilang kubol.

Kung maaalala, pinag gigiba ng Bureau of Corrections ang mga kubol matapos na madiskubre ang mga ilegal na gawain sa nasabing piitan.

Ani Catapang, talagang apektado ang mga matataas na persons deprived of liberty leader dahil ang kubol aniya ang nagsisilbing privacy ng mga ito.

Bukod sa mga sariling kubol ay mayroon rin ang mga mayores ng sariling cellphone, router, sariling tubig, tv at air cooler.