Sa halip na isang Department of Correctional Services, iminungkahi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang paglikha ng isang Bureau of Correctional Services (BCS) sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Sa pagbuo ng Bureau of Correctional Services, ang lahat ng prison facilities ng BuCor, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at provincial jails ay mapapailalim sa isang pasilidad tulad ng ginawa sa ibang bansa.
Ang panukala ni Catapang ay inihayag sa panunumpa ng mga bagong itinalaga at na-promote na non-uniformed personnel sa punong-tanggapan ng BuCor sa Muntinlupa Citu.
Sa kasalukuyan, ang BuCor ay nasa ilalim ng DOJ; BJMP sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga provincial jails sa ilalim ng mga lokal na pamahalaan ng probinsiya.
Ayon kay Catapang, maaaring hindi maiiwasan na ang BuCor, BJMP at provincial jails ay nasa ilalim ng isang ahensya ng gobyerno.
Aniya, ang nais ng PBBM ay pagsama-samahin ang mga provincial jail, BJMP, at ang BuCor.
Sinabi ni Catapang na mas mabuting nasa ilalim ng DOJ ang mga ahensyang ito dahil trabaho ng kawanihan na kaugnay sa NBI, immigration, at Land Registration Authority dahil may iba pang mga plano kasma ang BuCor.