-- Advertisements --

Nilinaw ng Bureau of Corrections na wala silang planong magtayo ng detention facility sa 270 hektarya ng Masungi Geo Reserve sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na walang katotohanan ang nasabing balitang pagtatayo nila ng pasilidad sa lugar.

Suportado aniya nila ang panawagan ni Senator Loren Legarda na hindi dapat tayuan ng anumang pasilidad ang nature reserve sa Rizal.

Giit pa ni Catapang na mahalaga na dapat ay ipreserve ito at alagaan mabuti kaya mahalaga na dapat ay maglagay ng mga guwardiya para hindi pasukan ng anumang iligal na pasilidad.