-- Advertisements --
image 513

Sinibak sa pwesto ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang ang acting superintendent ng Davao Prison and Penal Farm kasunod ng pagtakas ng isang preso na muling naaresto din kalaunan.

Ayon sa BuCor, ni-relieve si dating Superintendent Rufino Martin noong Lunes dahil sa late report nito kaugnay sa nakatakas na preso na si Jundee Caño mula sa minimum security compound noong Setyembre 13.

Muling naaresto ang nakatakas na preso noong Setyembre 17 sa ikinasang hot pursuit operation ng mga miyembro ng Damulog Municipal Police Station.

Ipinunto ni Director General Catapang na dapat agad na maireport ang ganitong mga insidente at magsilbing babala sa lahat ng mga opisyal ng BuCor.