-- Advertisements --

Tuluyan nang nanumpa sa pwesto ang mga bago at promoted na empleyado ng Bureau of Corrections .

Pinangungunahan ito mismo ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Catapang na ang hakbang na ito ng ahensya sa paghahire at pagpromote ng mga tauhan nito ay nagresulta sa mas organisado at naaksyunan ang mga organizational problems sa kanilang tanggapan.

Kaugnay nito ay hinimok ni Catapang ang mga tauhan nito na magtrabaho ng tapat, mabuti at gumawa ng reputasyon na maaasahan at mapagkakatiwalaan ng publiko.

Tiniyak din ng opisyal na kanilang ipagpapatuloy ang paghihire at pagpo-promote ng mga empleyado.

Pinapabilis din ni Catapang ang pagtatrabaho ng kaniyang mga tauhan upang kaagad na matapos ang kanilang mga gawain.