Tumanggi si BuCor Senior Superintendent Gerardo Padilla na sagutin ang mga katanungan ng mga mambabatas sa ginanap na ikalawang serye ng house quad committee kahapon.
Dahil dito , nagmosyon si Abang Lingkod party-list lawmaker Stephen Paduano nai-cite in contempt si Padilla dahil sa pagtanggi nito na sagutin ang tanong na may kinalaman sa pagpatay sa tatlong Chinese umano’y drug lords noong 2016 sa Davao Prison and Penal Farm.
Agad naman inaprubahan ng komite ng mosyon ni Rep. Paduano at dahil dito ay mamalagi si Padilla sa Bicutan city jail ng 30 araw.
Sa unang serye ng pagdinig, sinabi ni Jimmy Fortaleza na isang PDLs ang pagpapadala ng kay Magdadaro at Tan sa Inmate Custodial Aid.
Matapos umano ang pagpatay sa tatlong Chinese, nakita ni Fortaleza ang dalawa na nagsusuot ng magagandang damit at alahas habang binanggit nito ang isang milyon na ibinigay sa dalawa.
Sa ikalawang serye ng quad comm hearing ay inamin nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan Jr. na sila ang pumatay sa tatlong Chinese sa utos na rin aniya ni EX-PRRD.
Ayon kay Tan Jr., binati pa ni Duterte si Padilla matapos ang matagumpay na pagpapatumba sa tatlong Chinese inmate.
Paliwanag ng House Committee,dahil sa hindi pagsagot ni Padilla, nilabag nito ang Section 11 Paragraph C ng House rules procedure na may kinalaman sa inquiries in aid of legislation.