-- Advertisements --

Hinimok ni Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ang Bureau of Corrections (BuCor) na ayusin ang kanilang jail management system sa halip na kanselahin ang mga prebilehiyo ng mga bilanggo ara maresolba ang paulit-ulit na problema sa mga iligal na aktibidad sa mga bilangguan.

Sa isang statement, sinabi ni De Guia na hindi dapat magkaroong lang ng “blanket punishment” sa problemang ito.

Maaring makakabuti rin daw na silipin ang implementasyon ng RA 10575 na naglalayong palakasin ang BuCor upang sa gayon ay magkaroon ng improvement sa jail system sa bansa.

Nilinaw ng CHR na kinokonsidera nila ang rule of law subalit kaakibat daw nito ay ang paalala naman nila sa pamahalaan na magkaroon ng katiyakan na sumusunod sa standards ng batas ang treatment sa mga bilanggo.