Iniimbestigahan na ng Bureau of Corrections (BuCor) kung paano nakapag-upload ng kaniyang video sa YouTube ang kontrobersiyal na inmate na si Herbert Colanggo.
Sinabi ni BuCor Spokesman Gabriel Chacklang na mahigpit nilang pinagbabawalan ang mga inmates na gumamit ng anumang uri ng gadgets.
Nauna ng nagpost ng video si Colanggo sa kaniyang YouTube kung saan ibinunyag nito na nasa panganib ang kaniyang buhay matapos na plano ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) alisin siiya sa Camp Aguinaldo at ilipat sa Building 14 sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ang Building 14 kasi ay lugar kung saan inilalalgay ang mga kilalang drug traffickers.
Isa kasi si Colanggo sa saksi sa drug trafficking case ni Senator Leila De Lima.
Dumepensa naman ang BJMP kung saan ayon sa kanilang tagapagsalita na si JCInsp. Xavier Solda na nasa ilalim ng BuCor si Colanggo at hindi nila ito hawak.
Taong 2013 ng hatulan ng reclusion perpetua ng Paranaque City Court si Colanggo.
Inilipat ito sa military compound ng magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng grupo ng namayapang si Jaybee Sebastian.