Aminado si Justice Undersecretary for Correction Deo Marco na kulang na kulang sila ngayon ng mga tauhan sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos suspindehin ng Ombudsman ang 30 sa mga ito.
Nagbunsod ang suspension order sa pagkakadawit ng mga ito sa “good conduct time allowance (GCTA) for sale.”
Sa dami aniya ng administrative works at sumusukong inmates, kailangan sana nila ng dagdag na pwersa.
Gayunman, inirerespeto raw nila ito para sa ikabubuti at ikalilinis ng ahensya sa anumang katiwalian.
Samantala, ipapatawag na rin ng Senado ang doktor ng New Bilibid Prisons (NBP), matapos magkaisa sina Sens. Ping Lacson, Bato dela Rosa at Bong Go na hindi malayong nagagamit ang hospital facility para sa drug transactions.
Nabatid na may ilang inmate din na nananatili na sa ospital nang matagal na panahon, kahit wala namang sakit.