-- Advertisements --

Bilang bahagi ng hakbang ng Bureau of Corrections na pabilisin ang pagpapalaya ng mga kwalipikadong bilanggo , nagtalaga ito ng labing limang abogado mula sa Department of Justice.

Sila ay inaasahang makatutulong sa mga legal na pangangailangan ng mga kwalipikadong bilanggo.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr, makaka trabaho ng mga ito ang mga abogado mula sa  Public Attorney’s Office and  Legal Aid Society.

Sinabi ni Catapang na ang mga abogado ng DOJ ay “magbibigay ng mga legal na serbisyo tulad ng pagbalangkas ng mga kahilingan para sa mga kwalipikadong inmate na pinagkaitan ng kalayaan.

Kabilang na dito ang Good Conduct Time Allowance at parol, paghahanda ng mga indorsement sa BuCor at iba pang  serbisyo.

Mapapalakas rin nito ang  ‘Bilis Laya’ program  ng administrasyong Marcos Jr. pati na ang decongestion program nito.

Batay sa datos, aabot sa 500 hanggang 1,000 inmate  ang pinapalaya ng BuCor kada buwan.

Ang mga napalaya ay maaaring napawalang-sala, nakumpleto ang sentensya , parol, o pardon.