Nasabon sa nagpapatuloy na hearing ng Senado ang hepe ng legal division ng Bureau of Corrections (BuCor), matapos aminin na hindi nasunod ng ahensya ang panuntunan ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa pagpapalaya ng mga convicts na may sintensyang pang habang buhay na pagkakakulong.
Pinuna ni Senate Pres. Tito Sotto III si Atty. Frederic Santos matapos sabihin na wala itong alam sa umiiral na Department of Justice Order No. 953.
Pero nabatid na nagamit ito ng BuCor sa ilang convincts na dati ng nakalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).
Ayon kay Santos, hindi na nasunod ang naturang kautusan dahil sa utos ng Supreme Court kamakailan na nagsabing immediate at executory ang release ng inmates na ginawaran ng GCTA.
Sa ilalim ng Department of Justice na Order 953 na ni-release noong 2015, nakasaad na walang kapangyarihan ang pinuno ng BuCor na magpalaya ng mga convicts na may sintensya ng pang habang buhay na pagkakakulong.
Dapat munang idaan ito sa kalihim ng Department of Justice at kailangan din maglabas ng BuCor ng certification hinggil sa ginawa nilang computation sa GCTA.